Sunday, January 1, 2017


(c) searchquotes.com
               
Anong New Year’s Resolution Mo?


Taong 2017 na.

                Panahon na upang baguhin natin ang mga hindi wastong bagay o kaugalian na nakasanayan na. Halimbawa ay ang katamaran na siyang isa sa pangunahing hinaing ng mga magulang natin at guro sa atin na mga estudyante. Hiling nila na sana matuto na tayong magsipag sa pagtupi ng ating mga damit sa cabinet, maglinis ng ating kuwarto o sa pagligpit ng ating mga abubot na nakakalat kung saan-saan, na hindi tayo late sa klase o sa pagpasa ng mga projects at requirements o sa pagpapasa ng assignment natin.

                Aminin na natin mga tsong, ang hirap nitong baguhin ‘di ba? Ano kaya’t ito ang gawin natin resolution ngayong taon?

                Actually, ito din sana ang nais kong gawing pagbabago sa sarili ko this 2017, hindi dahil nape-pressure ako sa sinasabi ni Ma’am o Sir o sa mga pangaral ni Mudra kundi dahil kailangan ko talaga ito para sa sarili ko.

                Imagine? Sinasayang lang natin ‘yung effort natin na gumising ng maaga, maligo kahit ke-lamig-lamig ng tubig para pumasok sa eskuwela? Minsan nga nakakatawa na nakakabanas na tamad tayo sa eskuwela pero anlakas nating pumutak kapag bumagsak tayo sa klase dahil wala tayong projects na napaipasa o zero tayo sa quizzes dahil kung hindi tayo absent eh, wala naman ang utak natin sa klase. Gosh, ulit na naman tayo nito next sem. Nasayang na naman ang panahon. Same class, same kabulastugan, same result at ang ending? Habam-buhay sa kolehiyo. ‘Wag naman po sana, Lord.

                Iyong bags ko nakaimbak lang sa cabinet, hindi ko naman lahat naaalagaan o nagagamit. Kayo, may ganito din ba kayong struggle sa buhay? Minsan naisip ko, grabe din kaya ang effort na kailangan natin mapapayag lang si Madir at Padir maibili lang tayo ng bagong damit o sapatos na sunod sa uso. May ginagawa pa tayong ‘tampu-tapuhan-with-all-the-dabog’ style, ‘industrious-child-doing-the-chores’ style at marami pang hokage style makuha lang natin ang ating gusto. Sayang ano?
                
                   Ano kaya’t subukan kong magsipag at ayusin ang laman ng cabinet ko? O mas sipagan ko pa sa klase at sa pag-aaral ng mga lesson para makuha ko ‘yung pinaka-aasam kong uno na grado? Ang sarap siguro sa pakiramdam na tinitulungan ko ang sarili kong umangat at mapabuti, na hindi na ako naii-special mention ni Prof. at hindi na pinapagalitan ni Mama. Kung magiging Masipag ako, happy si Mama. Kung magiging Masipag ako, gaganda pa ang grado ko at sana ay maging uno. Magandang grado, malaking tsansa sa pag-abot ng dream job ko.

PUSH!

2017 New Year’s Resolution:

#1.  MAGSIPAG KA, INDAY, MAGSIPAG KA PARA SA EKONOMIYA AT SA FUTURE NA                    BONGGA!


No comments:

Post a Comment